YES to Green Program : Morong Rizal


Sabay-sabay na inilawan ang mga Christmas tree na gawa sa mga niresiklong materyales, tulad ng plastik ng bote, softdrinks, papel, pabalat, etc., sa 14 na lokalidad sa buong lalawigan ng Rizal bilang pagsisimula ng Isang Luntiang Pasko ng mga Rizaleno. Hangarin ng aktibidad na ito na gisingin ang kamalayan ng bawat tao sa pangangalaga at pagmamahal sa Kalikasan. Tugon din ito ng bawat lokalidad sa probinsya bilang matibay na pagsuporta sa YES to Green Program ni Gob. Nini Ynares.













YES na YES - Morong, Rizal


YES na YES.. Ito po ang entry ng Morong sa Rizal Inter-town Christmas Tree Making and Town Hall Decoration Competition using recyclable materials..

Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nakatuwang ko sa proyektong ito..

First of all, kay God sa pagbibigay sa amin ng malakas na katawan at isipan. Secondly, kay Mayor Mando San Juan sa pagsuporta sa amin all the way. Sa ating 8 Barangay Kapitan at kanilang mga kagawad at kawani sa pagsuporta sa Balwarte Contest. To MENRO Sir Jerome Mateo and his staff, our Street Sweepers, 4Ps staffs, Engineering Dept., Mr. Jonathan ang may-ari ng mga magagandang halaman, sa LIKAS Morong na lagi kong kapartner sa mga proyekto, kay Romeo San Diego at shempre sa utak ng ating disenyo, ang napaka creative and artistic nating kababayan na sina MR. ALEXIE CORBILLA and MR. JASON CORBILLA. Taos puso po ang aking pasasalamat sa inyong lahat.

Sa pinamalas po nating pagkakaisa at pagtutulong-tulong ay isa na pong malaking karangalan para sa bayan. Sanay hindi ito ang huli sa ating pagsasama-sama. Lagi nating pairalin ang PUSO para sa MORONG upang makamit natin ang ating mithiin para sa ating bayan.

MARAMING SALAMAT PO!!


By Dhen Bautista
Guest Writer

DON'T MISS

Money, Fitness and Sport, Culture, Tradition, Delicacy,Churches,Religion,Tradition
ILoveTansyongᵀᴹ |