Pilipinas, Tara Na! is a domestic tourism advocacy campaign spearheaded by the Department of Tourism in partnership with various private organizations.
Mission
Pilipinas Tara Na! seeks to encourage Filipinos to discover the pleasure of traveling the Philippines, see the country, learn about the people and experience diverse cultures that make the Philippines unique.
This is the first of three Pilipinas, Tara Na! music videos by the Department of Tourism, supported by Smart Communications and Perceptions, Inc.
Pilipinas, Tara Na! v.1
Words by: Rene Nieva
Composed by: Mike Villegas and Rico Blanco
Arranged by: Angelo Villegas
Advertisement by Google:
Ikaw ba'y nalulungkot
Naiinip, nababagot
Ikaw ba'y napapagod
Araw gabi'y puro kayod?
Buhay mo ba'y walang saysay
Walang sigla, walang kulay?
Bawa't araw ba'y pareho
Parang walang pagbabago?
Tara na, biyahe tayo
Kasama ang pamilya
Barkada at buong grupo
Para mag-enjoy ng todo.
Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Nag-driving ka na ba
Sa mga bayan sa baybay
Ng buong Laguna de Bay
Tuloy-tuloy sa Tagaytay?
Nalasap mo na ba
Ang Lanzones ng Camiguin
Penoy balot ng Pateros
Ensaymada ng Malolos?
Tara na, biyahe tayo
Upang ating matanto
Tayo man ay iba-iba
Diwa't puso ay iisa
Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
RAP:
Mga kababayan, ating puntahan,
Dambana ng kadakilaan at kagitingan
Fort Santiago, Kawit, Mactan
Barasoain, Corregidor at Bataan.
Nag-shopping ka na ba
Sa malls ng Metro Manila
Naka-bargain sa Baclaran
Greenhills at Divisoria?
Nakapag-uwi ka na ba
Ng perlas mula Sulu
World-class shoes from Marikina
Abaca bags from Bicolandia?
Tara na, biyahe tayo
Nang makabili
Ng maganda at murang-mura
Gawa ng kapwa-Pilipino.
Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Nakisaya ka na ba
Sa Pahiyas at Masskara
Moriones at Ati-atihan
Sinulog at Kadayawan?
Namiesta ka na ba
Sa Penafrancia sa Naga
Umakyat sa Antipolo
Nagsayaw sa Obando?
Tara na, biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran, kapayapaan.
Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Tara na, biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran, kapayapaan.
Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.